Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

POPCOM hinikayat ang publiko na magtulungan mapababa ang teenage pregnancy

Umaapela ang Population Commission (POPCOM) sa publiko na magtulungan para sa pagbaba ng bilang ng mga maagang nabubuntis o teenage pregnancy.

Ayon kay Undersecretary Juan Antonio Perez III ng POPCOM, bukod sa pagdami ng mga kaso ng teenage pregnancy ay nakakabahala din ang problema pagdating sa kalidad ng buhay ng mga pamilyang may batang magulang.

Ang nakababahala dito yung mas bata na nanganganak wala pa silang ganong kagandang ekonomiya yung kabuhayan, ang kabuhayan ng pamilya namenor de edad ang magulang ay napakababa ng oportunidad,” ani Perez.

Samantala, inaasahan din si Perez sa Department of Education (DepEd) at mga Local Government Units (LGU) hinggil sa tamang paggabay sa mga kabataan.

Inaasahan namin na tutulong dito yung mga guro natin, yung ating Department of Education na maibigay ang kaalaman sa ating kabataan. Pero inaasahan din namin ang mga komunidad and local government tignan na magbigay ng serbisyo, ng tulong sa mga pamilya ng batang ina,” ani Perez. — sa panayam ng Ratsada Balita.

Related posts

Robredo et al. ipinatawag na ng DOJ kaugnay sa sedition case na isinampa ng PNP

Powered by DWIZ

Pagpayag sa Dito telco na magtayo ng cell towers sa military camps isang katangahan —ex SC Justice

Powered by DWIZ

Mga opisyal ng PhilHealth dapat isailalim sa preventive suspension — Marcos

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More