NBA MVP Giannis Antetokounmpo hindi muna makakapaglaro

NBA MVP Giannis Antetokounmpo hindi muna makakapaglaro

by Powered by DWIZ
29 views

Bad news sa mga fans ni reigning Most Valuable Player (MVP) na si Giannis Antetokounmpo.

Ayon sa inilabas na ulat ng koponan ni Antetokounmpo na Milwaukee Bucks, hindi muna makakapaglaro ang star player dahil sa pamamaga ng right quad tendon nito.

Ito ang unang pagkakataon na hindi makakapaglaro ang top scorer ng Bucks.

Dagdag pa ng pamunuan ng Bucks, pinayuhan ng mga doktor na magpahinga muna si Antetokounmpo at magpagaling.

Samantala, si Antetokounmpo ay mayroong average score na 30 point 9, 13 point 2 rebounds at 5 point 5 assists sa isang laro.

0 comment

Related Posts