Police stations planong gawing COVID-19 vaccination centers

0
27

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) na linisin ang mga istasyon ng pulis upang magamit ang mga ito bilang coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccination centers.

Ayon sa pangulo, kinakailangan na malinis ang mga presinto para mapaghandaan ang araw sakaling magkaroon na ng bakuna.

Aniya, ang requirement lamang sa pagpapabakuna ay dapat isa kang Pilipino.

Una nang inihayag ng pangulo na militar ang mamamahala sa implementasyon ng government’s free COVID-19 immunization program para sa 20-milyong mahihirap na Pilipino.