Duterte hinimok ang mga nurse na pumasok sa police force para sa mas malaking sahod

0
10

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nurse na pumasok sa police force para makatanggap ng mas malaking sahod para sa kanilang serbisyo.

Ayon sa pangulo, sa mga nais magtrabaho sa gobyerno, sa lahat ng mga nurses na pulis, mas mainam aniyang pumasok sa pulis dahil malaki ang sweldo rito.

Aniya kung mananatili kasing nurse sa labas ay makakakuha lamang ang mga ito ng P8,000, P9,000 hanggang P10,000.

Noong nakaraang buwan, naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng budget circular 2020-4 na nag-a-upgrade ng entry level salaries ng mga government nurses mula sa salary grades 11 hanggang 15.