Saturday, May 4, 2024

Police official patay matapos barilin ng tauhan niya sa Camp Bagong Diwa, Taguig City

- Advertisement -

Patay ang isang police official matapos barilin ng kanyang tauhan sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Kinilala ang biktima na si Police Major Emerson Palomares, commanding officer ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP).

Habang agad namang naaresto ang suspek sa pamamaril na si Police Master Sergeant Sanwright Lobhoy.

Ayon kay Taguig City Chief of Police, Col. Alex Santos, nakatanggap silang report kaugnay ng nangyayaring pamamaril sa pagitan ng isang police official at non-commissioned officer sa loob ng Camp Bagong Diwa.

Aniya, sinasabing pinagalitan ni Palomares si Lobhoy.

Samantala, nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa insidente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img