32.4 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Guidelines sa pagtanggap ng regalo ng mga gov’t officials pinababalangkas sa CSC

- Advertisement -

Nanawagan ang Department of Justice (DOJ) sa Civil Service Commission (CSC) na magpalabas ng guidelines sa pagtanggap ng token o regalo ng mga empleyado at opisyal ng gobyerno.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, kahit pa mayroon nang umiiral na batas kaugnay dito may mga gray areas pa rin na dapat na tutukan ng CSC.

Hinikayat ni Guevarra na magpalabas ang mga CSC commissioners ng malinaw na guideline para matukoy kung ang isang empleyado ng gobyerno o public official ay lumalampas na sa itinatakda.

Posible din aniyang magbigay ng konting luwag sa pagtanggap ng regalo ng mga opisyal basta hindi maiimpluwensiyahan o may kapalit na pabor ang ipinagkaloob na regalo.

Una nang tinukoy ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) commissioner Greco Belgica na ang mga regalo na may halagang P100,000 ay maituturing na ‘insignificant’ ngunit paglilinaw niya na ang naturang halaga ay case to case basis.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -