Thursday, May 2, 2024

POGO hindi ipatitigil ni Duterte

- Advertisement -

Hindi ipatitigil ni Pang. Rodrigo Duterte ang operasyon ng Phil. Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Ayon sa Pangulo, malaki at maganda ang naitutulong ng POGO sa ekonomiya ng Pilipinas lalo na’t maraming manggagawa ang nakikinabang dito.

Una rito, umapela na ang gobyerno ng China sa Pilipinas na dapat nang ihinto ang operasyon ng POGO sa bansa.

Paliwanag ng Pangulong Duterte, ipinaliwanag niya kay Chinese Pres. Xi Jinping na maraming manggagawa ang mawawalan ng kita kung idedeklara niyang iligal ang POGO.

Sa ngayon, inatasan naman ng Pangulo ang mga naturang online casinos na mag-remit ng kanilang kita sa pamahalaan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img