PNP tututok naman sa disaster response mode ngayong opisyal nang nag simula ang tag-ulan

0
51

Handa na ang pambansang pulisya sa panahon ng tag-ulan kung saan, kaliwa’t kanang sakuna ang nagaganap

Iyan ang binigyang diin ni PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde makaraang opisyal nang ideklara ng pagasa ang panahon ng tag-ulan kahapon

Ayon sa PNP Chief, mula sa kanilang pagsabak sa pagbabantay sa seguridad nitong eleksyon at iba pang mga okasyon, pagtutuunan naman aniya nila ng pansin sa ngayon ang pagtugon sa iba’t-ibang kalamidad

Dahil dito, sinabi ni Albayalde na muli aniya nilang ikakasa ang mga pagsasanay hinggil sa disaster response upang maging handa sakaling maulit ang masasalimuot na trahedyang kinaharap ng bansa sa nakalipas na mga panahon

Magugunitang matapos tumama ang malalakas na bagyo sa bansa nito lamang nakaraang taon, inatasan ni Albayalde ang PNP Engineering Office na tingnan at tiyaking matatag ang lahat ng mga pasilidad ng pulisya sa buong bansa mula sa mga kalamidad.