Sunday, May 5, 2024

Environment Group suportado ang pagbabalik ng basurang itinapon ng South Korea dito sa bansa

- Advertisement -

Welcome sa grupong Ecowaste Coalition ang pagbabalik ng natitirang mahigit limang libong toneladang basura mula sa South Korea na nadiskubre sa Mindanao Container Terminal noon pang 2018.

Ayon kay Aileen Lucero, National Coordinator ng grupo, nararapat lang ito alinsunod sa basel convention, kung saan parehong parties ang Pilipinas at South Korea

Sa bisa ng kasunduan, ni-reregulate ang movement ng Hazardous Waste sa mga bansa partikular upang maiwasan ang paglipat ng basura mula developed countries patungong developing o Less Developed Countries

Nitong linggo, nagpulong ang mga kinatawan ng Pilipinas at South Korea upang maplantsa ang pagbabalik ng basura, bagay na ayon kay Lucero ay dapat pangatawanan ng 2 Bansa

Enero nang maibalik sa South Korea ang 1 batch ng basura

Nahaharap naman sa mga kasong paglabag sa Toxic and Hazardous Waste ACT at Customs Modernization and Tariff ACT ang verde soko, na importer ng mga basura mula South Korea

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img