Friday, May 3, 2024

PNP tiwalang makakasanayan din ng mga Pinoy ang MECQ

- Advertisement -

Kumpiyansa ang Philippine National Police (PNP) na mabilis ding makakasanayan ng mga Filipino ang mga ipinatutupad na patakaran sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. General Bernard Banac, bagama’t bahagya silang naalarma sa pagdagsa ng mga maraming tao sa unang araw ng limitadong operasyon ng mga mall, kanilang nauunawaan ang pananabik ng mga ito.

Gayunman sinabi ni Banac na naniniwala siyang mabilis ding matutunan ng publiko ang maki-ayon at pakikipagtulungan para sa implementasyon ng MECQ

Dagdag ni Banac, ito na rin naman aniya ang magiging new normal kaya kinakailangang matutunan ng mga tao na isapamuhay ito.

Batay sa naging obserbasyon aniya ng pulisya, nasiyahan ang mga tao sa pamimili sa unang araw ng MECQ kaya marami ang nag-overstay sa mga supermarket at stalls kaya nagmukhang siksikan sa loob ng mall.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img