Thursday, May 2, 2024

PNP nilinaw na buo ang kanilang suporta kay Pangulong Duterte

- Advertisement -

Nilinaw ng pamunuan ng Philippine National Police o PNP na buo ang suporta ng kanilang hanay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na walang katotohanan na mayroong mga ‘disgruntled’ o dismayadong police officers.

Huwag po tayong maniwala diyan, walang katotohanan iyan as far as the PNP is concerned, although I can’t speak in behalf of the AFP. Paliwanag ni Albayalde

Ang pahayag ay ginawa ni Albayalde sa gitna ng isyu ng pagbawi ni Pangulong Duterte sa amnestiya ni Sen. Antonio Trillanes.

Una nang tinawag na guni-guni ng Palasyo ang pahayag ni Trillanes na naghihintay lamang ang mga kakilala niyang aktibo sa militar ng sentimiyento ng taumbayan para magpasimula ng panibagong rebolusyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img