Friday, May 17, 2024

Alejano umapela kay Duterte na huwag silang gipitin

- Advertisement -

Umapela si Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano kay Pangulong Rodrigo Duterte na tigilan na nito ang buong hanay ng hukbong sandatahan ng bansa.

Ginawa ni Alejano ang pahayag sa harap na rin ng mga bantang isusunod na siya at iba pang kasama nilang sundalo sa mga ipaaaresto kasunod na rin ng pagpapawalang bisa sa iginawad na amnesty kay Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Alejano, inilalagay lamang ng Pangulo sa balag ng alanganin ang buong hanay ng militar sa pagpapatupad ng iligal na pag-aresto laban sa mga dating sundalo na lumalaban sa administrasyon.

Una rito, itinuro ni Pangulong Rodrigo Duterte si Solicitor General Jose Calida na siyang nasa likod ng pagpapawalang bisa sa amnesty kay Trillanes.

Itinulad pa ng Pangulo sa pinatalsik na si Associate Justice Maria Lourdes Sereno ang naging batayan ni Calida para patalsikin ito sa puwesto.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -