Friday, May 17, 2024

PNP nakahanda na sa darating na Semana Santa

- Advertisement -

Nakahanda na ang PNP o Philippine National Police sa darating na Semana Santa.

Ayon kay PNP Chief General Oscar Albayalde, aabot sa 80,000 pulis ang kanilang ipakakalat sa buong bansa upang tiyakin ang seguridad ng publiko.

Pangunahing tututukan ng PNP ang mga matataong lugar kagaya ng mga terminal ng bus, paliparan, pantalan at mga simbahan na inaasahang dadagsain ng mga lokal at dayuhang turista.

Matatandaang, bago pa man sumapit ang holy week ay ipinatupad na ng PNP ang ‘Oplan Ligtas Sumvac’ o summer vacation upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko.


Mga tollways handa narin para sa Semana Santa

Handa na ang mga tollways para sa inaasahang bugso ng mga motorista sa NLEX o North Luzon Expressway.

Ayon sa pamunuan ng NLEX, inaasahan nilang tanghali ng Miyerkules Santo – Abril 17, dadami ang mga sasakyang daraan sa NLEX.

Dahil dito, mahigpit na babantayan ang mga toll point ng NLEX sa balintawak, mindanao avenue at tarlac.

Samantala, nakahanda rin naman ang pamunuan ng NLEX na dagdagan ang kanilang collection points kung kinakailangan upang hindi magsikip ang daloy ng trapiko.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -