Thursday, May 2, 2024

Mga nagtitinda ng palaspas dagsa na para sa pagbubukas ng Semana Santa

- Advertisement -

Naghahanda na ang mga tindero ng palaspas sa mga simbahan para sa pagsisimula ng ‘Semana Santa’ bukas, ‘Domingo De Ramos’ o ‘Linggo ng Palaspas’.

Sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, nakapuwesto na ang may ilang tindero’t tindera ng palaspas na nakapuwesto sa paligid nito.

Ayon kay Aling Aileen, isa sa mga tindera ng mga palaspas, bagama’t iba’t ibang uri at klase ang kanilang itinitinda rito tulad ng palaspas o palm at palapa ng niyog, kapwa pa rin ito mabibili sa halagang 20 pesos.

Umaasa naman ang mga tindero ng palaspas na magiging maganda ang kanilang kita lalo’t posible pang dumami ang kanilang makakakumpetensya bukas.

Ang linggo ng palaspas ay ang paggunita ng mga katoliko sa maringal na pagpasok ni Hesus sa Herusalem kung saan sinalubong siya ng mga Israelita gamit ang palaspas.

(with report from Jaymark Dagala)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img