Tuesday, May 7, 2024

PNP nakaalerto sa banta ng ISIS

- Advertisement -

Mananatiling naka-alerto ang Philippine National Police (PNP) sa banta ng terorismong grupo na ISIS.

Ito ang naging pagtitiyak ni PNP Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac na matagal na naman ang mga banta ng ISIS, at isa na itong global problem.

Ayon kay Banac, sa ngayon ay patuloy pa rin ang beripikasyon sa mga ulat na tinatarget ng ISIS ang mga simbahan sa Northern Luzon.

Paliwanag ni Banac, walang dapat ikabahala ang publiko dahil mananatili namang nakabantay ang mga otoridad.

Sa kabila nito, pinayuhan pa rin naman ni Banac na maging mapagmatyag ang publiko at agad na makipag-ugnayan sa pulisya kapag mayroon silang nakitang kahina-hinalang bagay o indibidwal.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img