33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

PNP nagpaliwanag kaugnay sa mababa umanong hazard pay ng mga pulis

- Advertisement -

Nagpaliwanag ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa hazard pay na matatanggap ng mga kapulisan na aabot lamang sa P235.00 kada araw.

Ito ay kasunod ng pagkadismaya ng mga pulis dahil taliwas ito sa inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat pantay-pantay na makatanggap ng P500.00 hazard pay kada araw ang mga pulis, sundalo at jail guards.

Paliwanag ni Brig. Gen. Marni Marcos, acting director ng Directorate for Comptrollership, ang P235.00 na matatanggap bilang hazard pay ay nakabatay sa “available funds” ng PNP.

Aniya, nakasaad umano sa kautusan ng Department of Budget and Management (DBM) na kunin ang hazard pay sa kanilang 2020 budget.

Iginiit nito na kulang ang kanilang pondo para ibigay ang nararapat na hazard pay sa mga pulis na nagsisilbing frontliners sa laban kontra COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -