30 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

10,000 COVID-19 tests kada araw target ng DOH

- Advertisement -

Target ng Department of Health (DOH) na makapagsagawa ng 8,000 hanggang 10,000 COVID-19 test kada araw.

Ayon kay Health undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa ngayon nasa 3,000 pa lamang ang kanilang magagawang testing dahil sa pagpapalawig ng kanilang testing protocols.

Gayunman, inaasahan naman anila na tataas ito hanggang 10,000 bago matapos ang buwan ng Abril.

Sa ikakasang mass testing, uunahin aniya ang mga mas nangangailangang masuri gaya ng mga buntis, may health conditions at frontline health workers.

Magugunitang simula noong buwan ng Enero, aabot lamang sa 300 samples ang naisasailalim sa COVID-19 test hanggang sa umakyat na ito ngayon sa 1,200 kada araw sa tulong mga bagong testing laboratories na nagbukas maging ng mga pagdating ng mga kailangang testing kits.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -