PNP members na hindi nagbibigay ng suporta sa pamilya hindi kinukunsinti – Albayalde

0
40

Hindi kinukunsinti ng PNP ang mga miyembro nitong hindi nakapagbibigay ng suporta sa kani-kanilang pamilya.

Binigyang diin ito ni PNP Chief Oscar Albayalde matapos makatanggap ng mahigit 100 reklamo mula sa mga misis na hindi nakakakuha ng financial support mula sa kanilang pulis na mister.

Sinabi ni Albayalde na ilan naman ay atubiling magreklamo dahil posibleng makaapekto ito sa trabaho ng kanilang mister.

Una nang inihayag ng PNP Internal Affairs Service (IAS) na tumaas ang bilang ng mga reklamo na hindi pagsuporta sa pamilya ng mga pulis kahit pa dinoble na ang sweldo ng mga ito.