Driver ng Buena Sher bus kinasuhan na

0
59

Kinasuhan na ang driver ng bus na tumilapon at tumagilid sa kahabaan ng NLEX sa Valenzuela noong June 29.

Ayon kay Police Colonel Carlito Gaces, hepe ng Valenzuela City Police, si Victor Delos Reyes, driver ng Buena Sher Bus ay nahaharap sa mga kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide, physical injuries at damage to properties.

Una nang inamin ni Delos Reyes na nawalan siya ng kontrol sa bus kaya’t nadisgrasya ito na nag resulta sa pagkasawi ng walo katao at pagkasugat ng 25 iba pa.

Matapos gumaling sa tinamong sugat, inilipat na si Delos Reyes sa vValenzuela City Police station custodial facility.