PNP ipinanawagan ang pakikiisa ng mga deboto ng Nazareno

0
18

Nananawagan ang Philippine National Police (PNP) sa mga deboto na nakilahok sa prusisyon ng Itim na Nazareno na manatiling kalmado at makiisa sa police security measures.

Ayon kay PNP Spokesperson P/Bri. Gen. Bernard Banac, layon lamang nila na magtapos ng mapayapa at ligtas ang Traslacion na walang insidente para sa kapakanan ng lahat.

Aniya, kanila ring naiintindihan kung madismaya ang ilang mga deboto na hindi makakalapit sa ‘andas’ dahil sa higpit ng seguridad, ngunit sana ay hindi saktan ng mga ito ang mga pulis na nakapalibot sa Poon.

Samantala, kabilang sa mga nagbuhat ng Itim na Nazareno ay ilang mga kapulisan na napag kasunduan ng law enforces at maging ng mga organizers ng Traslacion 2020. —ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)