29 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

PH posibleng madamay sa US-Iran conflict —kongresista

- Advertisement -

Posibleng madamay ang Pilipinas sa tumitinding tensiyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Ito ang naging reaksiyon ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite, matapos payagan ni Pangulong Rodrigo duterte ang mga sundalong Amerikano na dumaan sa Pilipinas.

Ayon kay Gaite, napaka-ironic ng desisyong ito ng pangulo, gayong patuloy din ang panawagan nito para sa proteksiyon ng mga Pilipinong nasa Iran.

Sinabi ni Gaite na posible kasing maging target ang Pilipinas kung dito mismo sa bansa mag-tatransit ang mga sundalong Amerikano.

Gayunman, nilinaw naman ni Pangulong Duterte na bagamat papayag siyang dumaan ang mga sundalong Amerikano sa Pilipinas, hindi naman siya papayag na maging launching pad ang bansa ng mga missiles at rockets.

Matatandaang nag-ugat ang tensiyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran matapos na masawi ng ikalawang pinakamataas na opisyal ng Iran na si Qassem Soleimani sa airstrike ng Amerika.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -