PNP ipinagmalaki ang mas mababang holiday-related incidents sa buong 2019

0
17

Tinawag ng Phil. National Police (PNP) ang 2019 bilang pinakaligtas na selebrasyon ng holiday season.

Ito ang ipinagmalaki ni PNP Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac, kung saan pumalo lamang sa 324 ang holiday-related incidents para sa buong 2019.

Ayon kay Banac, mas mababa ito kumpara sa naitalang 728 insidente noong nakaraang taon.

Dagdag pa ni Banac, ang mga naitalang insidenteng ito ay mula lamang noong December 16 kung saan kinabibilangan ito ng firecracker-related incidents, at ilegal na pagpapa-putok ng baril.

Una rito, umabot naman sa 21 indibidwal ang naaresto ng PNP dahil sa iligal na pagpapaputok ng baril.