PNP hinimok ang judiciary members na kumuha ng personal security forces

0
54

Hinimok ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde ang mga miyembro ng judiciary na kumuha ng sariling private security forces.

Ito ayon kay Albayalde ay dahil malaking dagdag sa kulang na bilang ng mga pulis kapag inalis na ang mga tauhan ng PNP na nakatalaga sa mga hukom, prosecutors at court offices.

Kasabay nito, isunusulong din ni albayalde ang pagtanggal ng police escort ng mga pulitiko kung saan mahigit sampung libong pulis ang nakatalaga sa mga ito.