Arrest warrant vs. Trillanes posibleng ilabas ng korte ngayong araw

0
52

Posibleng ilabas na ngayong araw na ito ng Makati RTC Branch 148 ang warrant of arrest laban kay Senador Antonio Trillanes IV.

Nabatid na maagang dumating sa court room ng branch 148 ang mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Naka antabay na rin ang media sa Senado matapos unang ihayag ng Clerk of Court ng Branch 148 na posibleng ngayong araw na ito ilabas ang resolusyon.

Sinasabing nuong Biyernes ay tinapos na ni Judge Andres Soriano ang pag-aaral sa mga hawak na ebidensya kaugnay sa kasong kudeta ni trillanes para matapos na ang resolusyon at maipalabas na rin ito.