Friday, May 3, 2024

PNP dumipensa sa umano’y pagiging malamig sa isyu ng pag-aresto kay Gng. Marcos

- Advertisement -

Dumipensa ang Philippine National Police (PNP) sa tila pagiging malamig umano ng mga ito na sa isyu ng pag-aresto kay dating first lady at ngayo’y Ilocos Norte 2nd District Rep. Imelda Marcos matapos mahatulang guilty sa dahil sa kasong graft.

Ito’y matapos maikumpara ang pagiging agresibo ng pulisya sa pag aresto kay Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay PNP Chief Dir./Gen. Oscar Albayalde, bukod sa pagiging babae ni Marcos ay dapat din aniyang ikunsidera ang edad ng ginang gayundin ang lagay ng kalusugan nito.

Nilinaw din ni Albayalde na hindi harassment na maituturing ang ginawang pagbabantay nuon ng PNP sa labas ng Senado at hindi rin umano para bantayan ang senador kung hindi para lamang tiyaking payapa at mahinahon ang magiging sitwasyon sakaling ilabas na ang warrant of arrest laban dito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img