Tuesday, May 7, 2024

Pagbisita ng Chinese leader sa bansa kumpiyansang may positibong maidudulot — Arroyo

- Advertisement -

Kumpiyansa si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na may positibong maidudulot sa Pilipinas ang pagbisita sa bansa ni Chinese President Xi Jinping ngayong buwan.

Ayon kay Arroyo, naniniwala siyang mas magiging matatag ang relasyon ng Pilipinas at China matapos ang pagbisita sa bansa ng kanilang presidente.

Tama din aniya ang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte na makipag-kaibigan sa bansang China dahil makakatulong ito sa bansa lalo na sa aspeto ng imprastraktura.

Sinabi ni Arroyo na hindi maikakaila ang malawak na kakayahan ng China pagdating sa infrastructure development.

Hindi rin umano malayong maabot ng China ang target nitong maging largest economy sa buong mundo lalo’t nagiging mabilis ang pag-unlad ng nasabing bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img