Saturday, May 11, 2024

PNP: Aabot sa higit 100,00 katao ang naitalang paglabag sa ECQ

- Advertisement -

Aabot sa higit 100,000 ang naitalang paglabag ng Philippine National Police (PNP) dahil sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations at  Joint Task Force COVID-19 shield Pol. Lt. Gen. Guillermo Eleazar, nasa 108,000 ang kabuuang bilang ng paglabag sa umiiral na ECQ ang naitala ng pulisya.

Sa naturang bilang, nasa 64,646 na paglabag ang naitala sa Luzon.

19,000 sa Visayas, habang 23,000 naman sa Mindanao.

Sinabi ni Eleazar, dapat mabatid ng publiko na mahigpit na pina-iiral ng PNP ang mga quarantine protocols dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19.

Ang naturang datos ay naitala mula Marso 17 hanggang Abril 12.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -