Angara nag-donate ng kanyang plasma sa isang hospital sa Quezon City

0
16

Nakapag-donate na ng kanyang plasma si Senador Sonny Angara sa isang ospital sa Quezon City.

Sa kanyang post sa Instagram, sinabi ni Angara na mapupunta ang kanyang plasma sa isang coronavirus disease 2019 (COVID-19) patient na nasa ventilator sa isang ospital sa Quezon City.

Si Angara ay matatandaang nag-positive at naka-recover sa COVID-19 kaya’t posibleng naka-develop umano ito ng anti bodies na pwedeng gamiting pang gamot sa mga pasyente ng COVID-19.

Ayon kay Angara, handa s’yang magbigay ng plasma kahit araw-araw subalit sinabi umano ng mga doktor na maaari lamang n’ya itong gawin tuwing matapos ang 14 na araw.