31.8 C
Manila
Friday, April 12, 2024

Planong pagbuo ni Pangulong Duterte ng death squad laban sa NPA hindi magtatagumpay — Padilla

- Advertisement -

Nangangarap ng gising si Pangulong Rodrigo Duterte sa plano nitong bumuo ng death squad laban sa new people’s army (NPA).

Ito’y ayon sa tagapagsalita ng Melito Glor Command ng NPA na si Jaime Padilla dahil malabo anyang mapatumba ng pangulo ang NPA sa pamamagitan ng bubuuing sparrow unit.

Ipinapakita lang anya ng pangulo sa kanyang pahayag na talagang mayroon siyang sariling death squad noong alkalde pa lamang sya sa lungsod ng Davao.

Dagdag pa ni Padilla, mga karaniwan at inosenteng mamamayan lang na naman ang pupuntiryahin ni Duterte kagaya na lamang ng nangyayari sa giyera kontra iligal na droga ng gobyerno.

(written by: Kimberlie Montano)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -