30 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Ex-Sen. Miriam Defensor-Santiago binigyan ng parangal sa Palasyo

- Advertisement -

Pinarangalan ng Malakanyang ang namayapang si dating Senador Mirriam Defensor-Santiago ng posthumous Quezon Service Cross Award na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Iginagawad ng pamahalaan ang naturang parangal bilang mataas na pagkilala ng Republika ng Pilipinas sa natatanging serbisyo ng isang sibilyan o outstanding civilian service sa bayan.

Pinahayag ng pangulo ang kanyang paghanga sa dating mambabatas kung saan sinabi rin niya na isang inspirasyon si Santiago sa mga susunod na henerasyon ng mga Pilipino.

Dumalo sa nasabing parangal ang pamilya ni Santiago na pinangunahan ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jun Santiago.

Pang-anim ang dating mambabatas na ginawaran ng naturang parangal mula ng maitatag ito noong taong 1946.

(written by: Kimberlie Montano)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -