Planong martial law extension sa Mindanao nararapat lang – Madrigal

0
48

Malaking hamon hindi lamang para sa mga law enforcement agencies kung hindi sa lahat ang bantayan ang Pilipinas mula sa mga terrorista na nagbabalak umatake rito.

Iyan ang binigyang diin ng bagong Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff na si Lt/Gen. Benjamin Madrigal matapos siyang maupo kahapon bilang bagong hepe ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Ayon kay Madrigal, bilang naging pinuno na rin ng Eastern Mindanao Command (EASTMINCOM), nakita niya malaki na rin ang naging tulong sa mga residente ng Mindanao ng pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.

Aminado si Madrigal na mayruon ngang mangilan ngilang mga Dayuhang Terrorista na nagtutungo sa Pilipinas gamit ang backdoor, kaya’t tiwala siya na posibleng maokupa na ng mga ito ang buong Mindanao sa sandaling tuluyan nang alisin ang idineklarang batas militar.