PITX inauguration pangungunahan ni Pangulong Duterte

0
57

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Nobyembre 5.

Ayon sa Department of Transportation (DoTr), ang PITX ang kauna-unahang “landport” sa bansa dahil maihahalintulad ang pasilidad nito sa isang airport.

Umaasa si Transportation Secretary Art Tugade na sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng makabago at mas kumportableng land transport terminal ang mga byahero.

Magsisilbi umano itong multi-modal terminal ng mga byaheng papunta at pabalik mula sa Cavite, Batangas at ilang pang lugar sa Southern Luzon.

Ang unang palapag ng PITX ay nakalaan para sa mga jeepney, bus at taxi habang ang ikalawang palapag naman ay magsisilbing arrival bay para sa mga provincial buses.

Pinasimulan ang nasabing PITX project nuong 2014 sa ilalim ng public private partnership program ng pamahalaan.