BOC newly appointed commissioner magsasagawa ng balasahan sa ahensya

0
67

Babalasahin ni newly appointed Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonard Guerrero ang mga opisyal ng BOC.

Ito ang sinabi ni Guerrero matapos niyang makausap si Pangulong Rodrigo Duterte sa 117th anniversary ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay Guerrero, susundin lamang niya ang mga ipinagbilin ng pangulo upang matiyak ang pagsusulong ng pagbabago sa BOC.

Tiniyak din ni Guerrero na kaniyang panghahawakan ang utos ni Pangulong Duterte sa kaniya na gawin lamang ang kaniyang trabaho.

Si Guerrero ang itinalaga ng punong ehekutibo bilang kahalili ni dating BOC Commissioner Isidro Lapeña na ngayo’y inilipat sa TESDA.