PITC mag-aangkat na ng bigas sa mga fast food chains, supermarkets

PITC mag-aangkat na ng bigas sa mga fast food chains, supermarkets

by Powered by DWIZ
36 views

Mag-aangkat ng bigas ang Philippine International Trading Corporation (PITC) sa mga fast food chains at maliliit na pamilihan maging sa supermarkets.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, dati nang umaasa ang mga fast food chains sa mga rice traders, ngayon ay pwede na silang direktang makapag-import sa PITC bukod pa sa mga lokal nitong pinagkukuhanan.

Tinatayang aabot sa 300 containers ang mai-aangkat na bigas kapag naipatupad na ito sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan.

Samantala, umaasa naman si Lopez na sa naturang hakbangin ay mapapanatili sa mababang presyo ang mga bigas sa bansa.

0 comment

Related Posts