Pinoy sa Canada arestado sa pang-aabuso ng menor de edad

0
42

Arestado ang isang Pilipino sa Canada matapos ireklamo ng pang-aabuso sa tatlong bata sa nakalipas na isang taon.

Kinilala ito na si William Christopher Claveria na nahaharap sa 22 kaso kabilang ang child pornography, sexual assault, sexual interference, distribution of child pornography at voyeurism.

Ayon kay Toronto Police, detective Don Bai, niyaya ni Claveria ang mga naging biktima nito na sa sumali sa mga simbahang World and Life Christian Assembly at Jesus Reigns Forever International Ministry noong 2018.

Kinukuhanan aniya ng larawan o video ng suspek ang mga ginagawa nitong kahalayaan sa mga biktimang bata saka ibinabahagi online.

Sinabi ni Bai, nabatid ang ginagawang krimen ni Claveria matapos i-report ng Facebook sa American at Canadian authorities ang pakikipagpalipalitan at pagbabagi nito ng mga videos at larawan ng mga inaabusong mga bata.