Imbestigasyon kaugnay sa mga EJK makabubuting sa Pilipinas gawin

0
45

Welcome sa pambansang pulisya ang hirit ng bansang Iceland sa United Nations Human Rights Council na imbestigahan ang mga kaso ng umano’y EJK o Extra-Judicial Killings sa bansa

Ayon kay PNP Spokesman P/Col. Bernard Banac, bagama’t handa naman nilang sagutin ang mga argumentong ibinabato laban sa pulisya, ipinauubaya na nila sa ehekutibo ang pagkilos kaugnay nito

Gayunman, iginiit ni Banac na makabubuting gawin na lang ang imbestigasyon dito mismo sa pilipinas upang makita ng mga banyaga kung ano talaga ang sitwasyon ng bansa sa gitna ng matinding kampaniya kontra iligal na droga

Binigyang diin pa ng opisyal na ang lahat ng ikinakasa nilang mga operasyon ay nakasalig sa Saligang Batas ng Pilipinas na may paggalang sa karapatang pantao at sumusunod sa Rule of Law