Pinoy na makagagawa ng local respirator para sa COVID-19 patients bibigyan ng P20-M reward —Spox

0
10

Muling nag alok ng P20-milyon pabuya si Pangulong Rodrigo Duterte sa sinomang Pilipino na makakagawa ng local respirator para sa mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nangangailangan ang mga ospital sa bansa ng mas maraming respirators sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Magugunita namang una nang nag alok ang pangulo ng P50-milyong pabuya sa sinomang Pilipinong siyentipiko na magagabuo ng bakuna laban sa COVID-19.

Samantala, nabatid naman na tatlong bakuna na pangontra sa COVID-19 ang nasa ikalawang bahagi ng clinical trial sa China.