Pinay nurse sa Ireland positibo sa COVID-19

Pinay nurse sa Ireland positibo sa COVID-19

by Powered by DWIZ
31 views

Isang Pinay na nurse sa Ireland ang positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Napag-alaman ito kay Consul General Senen Mangalile, Deputy Chief of Mission ng Philippine Embassy sa London.

Ayon kay Mangalile, maayos naman ang kalagayan ngayon ng Filipina nurse sa kabila ng pagiging positibo sa COVID-19.

Ipinagmalaki ni Mangalile ang anya’y napakalaking kontribusyon ng mga Pinoy health workers sa mga ospital sa United Kingdom lalo na sa panahong ito.

Una rito, isinailalim na rin ang United Kingdom sa national lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

0 comment

Related Posts