Monday, May 6, 2024

Pinag-aaralan ngayon kung papayagang magpatayo ng gusali sa lungsod ng Baguio City hanggang sa labing pitong palapag

- Advertisement -

(Baguio City) Pinag aaralan ngayon ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Baguio kung maaring payagan ang pagtatayo ng gusali hangang labing pitong palapag na gusali bilang sagot sa pangangailangang tirahan ng mga mamamayan ng lungsod. Ito ang ipinahayag ni City Administrator Bonifacio dela Pena sa isang press conference sa multi-purpose building sa City Hall noong nakaraang linggo.

Anya ang panukala ay kasalukuyang pinag aaralan ng City Land Use Plan and amendments na idadag sa Zoning Ordinance ng lungsod ng Baguio. Kanyang sinabi na ang pinal na detalye ng nasabing plano ay idadag sa magiging bagong land use plan at zoning ordinance dahil na rin sa limitadong espasyo sa lungsod kung ihahambing pa tumataas na pangangailangang pangresidential at pangcommercial.

Ipinaliwanag ng city administrator ang pagtatayo ng high-rise buildings ay nakasalalay sa magiging resulta ng soil test at ang iba pang factors na mailalabas at maidadag sa pinabagong land use plan at ng zoning ordinance.

Sa kasalukuyan, ang taas ng gusali na maaring ipatayo ay hangang walong palapag ngunit depende sa carrying capacity ng lupa na pagtatayuan. Kung inyong matatandaan ang land use plan at zoning ordinance ng lungsod ay isinabatas noong taong 2016 at inaasahang magtatapos ngayong taon na ito.

(RPN-DZBS/Joel Cervantes)

Photo credit:Baguio CDRRMC file

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img