Pimentel tiwalang mananalo laban sa inihaing disqualification case sa kanya

0
38

Tiwala si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na agad na ibabasura ng Commission on Elections (COEMLEC) ang inihaing disqualification case ni Atty. Ferdinand Topacio laban sa kanya.

Ayon kay Pimentel, nuisance case o nuisance petition lamang ang inihain ni Topacio.

Naniniwala rin si Pimentel na nasa kanyang panig ang batas, jurisprudence at basic concept ng fairness o pagiging patas kaya sila ang mananaig laban sa nasabing petisyon.

Hindi aniya angkop sa kanyang sitwasyon ang mga kasong ginamit na argumento ni Topacio para siya ay ipadisqualify.

Gayunman tiniyak ni Pimentel na nakahanda siyang sagutin ang petisyon at alam niya kung ano ang tamang isasagot dito.

(with report from Cely Ortega-Bueno)