Pilipinas magpapadala ng tulong sa Japan

0
64

Nakatakdang magpadala ng tulong ang Pilipinas sa Japan na nahaharap ngayon sa kalamidad.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ipinag-utos mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapadala ng mga sundalo, engineer at doktor sa Japan para tumulong sa rescue at rehabilitasyon matapos ang matinding pagbahang naranasan doon na ikinasawi ng mahigit isandaan (100) katao.

Maliban dito, sinabi ni Roque na magpapadala ding ang gobyerno ng Pilipinas ng mga gamot sa Japan.

Batay sa pinakahuling tala, aabot na sa isandaan at dalawampu’t dalawa (122) na ang nasawi sa pagbaha sa Japan.

—-