Aabot sa 6,000 mga pulis ang ipakakalat ng Philippine National Police o PNP sa paligid ng Batasang Pambansa sa Hulyo 23.
Ito ay upang magbigay seguridad sa araw ng ikatlong State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay NCRPO Director, Chief Superintendent Guillermo Eleazar, ngayong araw nakatakda nilang ilatag ang inihandang security plan ng QCPD sa mga opisyal ng Kamara de Representantes.
Dagdag pa ni Eleazar, nagsimula na rin aniya ang kanilang mga consultative meeting para matiyak na magiging mapayapa at maayos ang mga isasagawang aktibidad sa darating na SONA.
Kasabay nito pinaalalahanan din ni Eleazar ang publiko sa malaking posibilidad ng matinding trapiko sa araw ng SONA lalo’t nagpapatuloy pa rin ang konstruksiyon ng MRT-7 sa bahagi ng Commonwealth Avenue.
—-