29.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Pilipinas kabilang sa mga mamamayan sa Southeast Asia na kuripot magbigay ng donasyon sa kawang-gawa

- Advertisement -

Napabilang ang Pilipinas sa mga mamamayan sa Southeast Asia na kuripot o hindi mapagbigay ng donasyon sa mga kawang-gawa.

Ito ay batay sa naging pagaaral ng World’s Most Generous Countries Index ng Gallup kung saan nakakuha lamang ng iskor na 28 ang Pilipinas.

Habang sa Southeast Asia, nasa pinakamataas na posisyon sa mga mapagbigay na bansa ang indonesa kasama ang Australia sa score na 59.

Ayon sa Gallup, batay sa kanilang pinakabagong pag-aaral lumabas na isang bilyon katao ang nasabing naglalaan sila ng panahon para mag volunteer sa mga organisayon.

Habang nasa 1.4 bilyon naman ang nagbibigay ng donasyon na pera sa mga charity at mahigit dalawang bilyon ang tumutulong naman sa mga istranghero.

Lumabas din sa survey na nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa mga bansang may pinakamalaking naibigay na donasyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -