Saturday, May 4, 2024

Faeldon magli-leave of absence

- Advertisement -

Nag-abiso na si Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon na magli-leave matapos mapabilang ang kanyang panganay na anak sa mga naaresto sa isang anti-drugs operation sa Naga City.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Undersecretary Mark Perete, nagsabi na si Faeldon sa tanggapan na magli-leave muna habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa kaso ng anak at hinihintay pa ng resulta nito.

Gayunman, sinabi ni Perete na pag-aaralan pa ng DOJ kung tatanggapin ang alok na leave of absence ni Faeldon.

Paliwanag ni Perete, kakatalaga pa lamang kasi kay Faeldon sa posisyon at wala rin aniya silang nakikitang magiging epekto ng pananatili ni faeldon sa BuCor sa imbestigasyon ng kaso.

Una nang sinabi ni Faeldon na nakahanda siyang magbitiw sa pwesto sakaling mapatunayang sangkot ang anak sa iligal na droga.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img