33.2 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Pilipinas hindi na magiging rice self-sufficient—DA Chief Piñol

- Advertisement -

Sinang-ayunan ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na malabong makamit ng bansa ang pagiging ganap na rice self-sufficient.

Ayon kay Piñol, kanya nang ipinaliwanag sa Pangulo noon na sakaling maging rice self-sufficient ang bansa, posibleng tumagal lamang ito ng isa hanggang dalawang taon.

Ito aniya ay dahil sa patuloy na paglobo ng populasyon kung saan hahabulin din nito ang dami ng produksyon at supply ng bigas sa bansa.

“Sabi ko actually Sir kahit i-implement natin sa programa na ito, the longest that we can actually achieve rice sufficiency would be 1-2 years dahil aabutan tayo ng population growth, by agricultural production on  the growing population and it will be an endless chase and there will never be a point where we can say na we’re okay now, we’re rice sufficient because a slong as population grows the need to produce more will always be there.” Ani Piñol

Gayunman, itinanggi naman ni Piñol ang naging pahayag ng Pangulo na patuloy ang paghina ng produksyon ng bigas sa bansa dahil lumago pa aniya ito.

“I do not know kung sino ang nag-feed sa kanya ng info pero inaccurate ‘yung binigay sa kanyang info sapagkat ang totoo niyan the rice industry has been growing at the rate of 3.5 percent per year when he assumed office.” Dagdag ni Piñol


Rice tariffication law

Aminado si Agriculture Secretary Manny Piñol na hindi maiiwasang ikabahala ng mga magsasaka sa pagkakasabatas ng rice tariffication act.

Ito aniya ang dahilan kaya nagkasa ang Department of Agriculture (DA) ng national consultation sa mga magsasaka sa buong bansa para ipaliwanag ang nasabing batas.

Binigyang diin naman ni Piñol na pangunahing layunin ng rice tariffication act at rice liberalization law ay ang pababain ang presyo ng bigas sa merkado na siyang pangunahing dahilan naman ng pagsirit ng inflation.

“Ang rice tariffication act actually ay measure na sa tingin ng ating economic managers will bring down the price of rice in the market kasi during the last bounce with the inflation napansin ng economic managers na ‘yung presyo ng bigas actually ang isa sa mga drivers of inflation, but of  course as I’ve said magkakaroon ito ng discomfort sa ating farmers, in fact I’m on my way to Muñoz, Nueva Ecija for the first leg of the national nationwide consultation with the farmers.” Pahayag ni Piñol

 (Ratsada Balita Interview)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -