Immigration laws tiniyak na ipinatutupad

0
47

Tiniyak ng Bureau of Immigration o BI na ipinatutupad nila ang immigration laws sa lahat ng dayuhang pumapasok sa bansa kahit pa sa mga Chinese nationals.

Ginawa ni Dana (Deyna) Krizia Sandoval ang pagtiyak kasunod ng pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na hayaan na lamang magtrabaho sa bansa ang mga illegal Chinese workers.

Ayon kay Sandoval, nagbigay naman ng paglilinaw ang Malakanyang na walang dapat santuhin sa pagpapatupad ng batas.

Sinabi ni Sandoval na tuloy-tuloy ang ginagawang pagsalakay ng Immigration Bureau sa mga lugar kung saan laganap ang mga illegal foreign workers lalo na ng mga Chinese nationals na empleyado ng online gambling.