28.7 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Pili Mayor Bongalonta, Bumili Ng Overpriced Na Boom Truck; Tunay Na Halaga Ay Aabot Lamang Ng 4-Milyon Pero Ang Bili Ng LGU Ay 9.3-Milyon

- Advertisement -

Naging mainit sa mata ng publiko ang isang Brand New Truck Mounted Platform na nagkakahalaga ng mahigit sa  9-Milyong piso na binili ng pamunuan ng Pili, Camarines Sur na pinamumunuan ni Mayor Tom Bongalonta Jr. Napag-alaman na overpriced ito para sa isang truck lamang.

Pinaniniwalaan na nagkaroon ng anomalya sa pagbili ng nasabing sasakyan at ng mga bahagi nito dahil ayon sa isang source maaari lamang mabili sa halagang 1.78 Milyon ang nasambit na modelo ng ISUZU truck at aabot lamang sa 2 Milyon ang mga parts nito. Kaya kung susumahin, aabot lang sa 4-Milyong piso ang aabutin ng halaga ng truck at hindi ₱ 9,345,557.15. Napakalaki ng kick-back ni Mayor Tom sa nasambit na pagbili ng nag-iisang sasakyan.

Pinagtataka rin ng karamihan kung bakit dumaan pa sa JVF Commercial and Project Development Support sa Quezon City ang pagbili nito gayung maaari namang dumirekta sa ISUZU Camarines Sur na nasa mismong munisipalidad na sakop ni Bongalonta.

Usap-usapan rin na nasa 5 Milyon ang nakulimbat na kick-back ng grupo ni Bongalonta sa pagbili ng nasabing 1 unit brand new truck mounted platform/Manlift. Pinagdelihensyahan umano ni Mayor ang Trust Fund ng Pili dahil doon nanggaling ang pinambili ng over-priced na sasakyan. Kinorap umano ni Bongalonta ang ibang pera at ginamit pa ang munisipyo para kumita ito.

(Source: Bicol News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -