Pialago naging emosyonal sa mga kritisismong natatanggap

0
57

Naging emosyonal si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Asec. at Spokesperson Celine Pialago dahil sa mga kritisismong natatanggap niya mula sa publiko at sa mga opisyal ng gobyerno.

Sa isang pahayag, nanindigan si Pialago na hindi “anti-poor” ang mga polisiyang ipinatutupad ng MMDA para masolusyunan ang matinding trapiko sa Metro Manila.

Aniya, lahat ng mga ipinatutupad na aksyon ng ahensiya ay dumaan sa masusing pag-aaral, at pinagbobotohan ng Metro Manila council na binubuo ng mga alkalde.

Paliwanag pa ni Pialago, mahalaga ang pagpapatupad ng MMDA ng yellow lane policy dahil sa pamamagitan nito aniya ay madaling mabibisto ang mga kolorum at organisado ang pagbaba’t pagsakay ng mga pasahero.

Paliwanag pa ni Pialago, sa loob ng mahabang panahon ay wala namang naidagdag ang mga nakalipas na administrasyon para mapaganda ang pagmando ng trapiko.

Giit nito, sa halip na batikusin ang MMDA ay mas mabuti na tulungan na lamang sila dahil hindi naman aniya titigil ang MMDA sa paghanap ng mga hakbang para masolusyunan ang trapiko sa Metro Manila.