Physical distancing imposibleng ipatupad sa Manila City Jail

Physical distancing imposibleng ipatupad sa Manila City Jail

by Powered by DWIZ
40 views

Inamin ni Manila City Jail Spokesperson Senior Insp. Jayrex Bustinera, na imposibleng ipatupad ang physical distancing sa loob ng piitan kasunod ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Bustinera, ang ideal na bilang ng mga bilanggo sa loob ng Manila City Jail ay 1,100 lamang, ngunit sumampa na ito sa 4,800.

Aniya, apat na beses itong mas malaki kumpara sa orihinal na kapasidad ng piitan.

Gayunman, nagpatupad naman ang city jail ng band-aid solution kung saan ang mga persons deprived of liberty (PDL) ay pansamantalang manunuluyan sa open space ng compound.

Bukod sa makakaluwag ay sa ganitong paraan rin aniya ay makakapag pa-araw pa ang mga ito at ehersisyo.

Sa ngayon, nananatili namang COVID-19 free ang Manila City Jail.

0 comment

Related Posts