PhilHealth VP nagbitiw sa puwesto

0
19

Nagbitiw na sa pwesto ang isang mataas na opisyal ng PhilHealth na si Senior Vice President Augustus De Villa.

Ito ay sa kabila ng umuusad na imbestigasyon sa di umano’y mga anomalya at korapsyon sa ahensya.

Sa isinumiteng resignation ni De Villa, nangako naman ito na patuloy siyang makikibahagi sa mga pagdinig na ginagawa ng Senado at Kamara.

Tiwala naman si Senate President Vicente Sotto III na may magandang rason si De Villa kung bakit ito nagbitiw sa puwesto.

Para naman kay Senator Francis Pangilinan, dapat na rin sumunod sa pagbibitiw sa pwesto ang iba pang senior executives ng PhilHealth.

Umaasa rin si Lacson na makikiisa ngayon si De Villa sa mga magsisiwalat ng mga anomalya at korapsyon sa loob ng ahensya.